Happy st anniversary sa IBC Channel 13!
Yes. you got it. 38th anniversary ngayon ng isa sa mga premier TV networks mula noon hanggang ngayon na Intercontinental Broadcasting Corporation or IBC 13.
Sa kabila ng pagiging "unproductive" at puno ng mga home shopping programs, nanatili pa rin number 1 ang goverment-sequestred TV channel dahil sa pagkaroon ng sports block nito na AKTV ng TV5, Cooltura at ang newscast ng News Team 13.
Ang IBC ay kilala sa mga programang tulad ng mga comedy programs na Chicks to Chicks, Iskul Bukol, TODAS, Sic O' Clock News, sa IBC unang napanood ang self-title musical show ni Sharon Cuneta bago lumipat sa ABS-CBN at ang IBC ang isa sa mga unang TV networks kung saan pinalabas ang mga foreign films. Kilala din ang Trese sa pagiging network na nagpalaki ng mga newscasters, news writers at reporters bago sila nagpasikat sa kani-kanilang istasyon.
Napatunayan na sa dami ng mga manonood mula noong panahon ng lolo at lola hanggang sa mga masa na ang IBC ay isa sa mga TV networks na nanguuna sa ratings noong dekada 70 at 80.
Mula sa PinoyTVRadio blog, Happy 38th Anniversary IBC, Pinoy ang Dating!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento