Pages

Huwebes, Enero 30, 2014

[TV News] Programming changes ng News and Public Affairs programs ng GMA

Simula sa February 9, mapapanood na sa GMA ang award-winning enviromental and wildlife show na Born To Be Wild ng veterinarians na sina Dr. Ferdz Recio at Dr. Nielsen Donato. Ito ay mapapanood sa timeslot ng sequel ng BTBW na Born Impact. Sa pilot episode sa bagong timeslot, ipapakita ang pagbabalik ng expedition series ng Born.

Samantala, may isang programa sa GMA News TV na lilipat na sa GMA. Yes! According sa latest plugs, Lilipat na ang programang Power House sa GMA simula sa Miyerkules sa dating timeslot ng Born (pagkatapos ng Saksi) simula February 12.

Ang Power House ay ang programang nagpapakita ng silip sa mga magagarang bahay ng mga kilalang pulitiko, celebrity, entepreneurs, atbp. Host ng programa si Kara David na pumalit sa hosting duties ni Mel Tiangco noong nakaraang taon dahil sa kanyang trabaho bilang host ng "24 Oras" at "Magpakailanman" at pagiging head ng Kapuso Foundation.

si Kara din ay napapanood din sa programang I-Witness na nasa Night Shift block ng GMA.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento